𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦 𝗖𝗔𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗜𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦

Viral ngayon sa social media ang mga campus cats ng University of Luzon na tila parang estudyante na nahuli sa kanilang klase at naghihintay sa pintuan ng silid-aralan.

Ayon sa uploader na si Gevie Jean Gubatan, habang hinihintay ang kanyang sunod na klase ay kinunan niya ng video ang nakakaaliw na kaganapan sa mga pusa.

Umani ng samut-saring komento ang naturang post sapagkat marami ang naka relate dahil minsan sa buhay ay naranasan ng mga ito ang mahuli sa klase.

Ilan lamang sa mga komento ay tulad ng “baka pumunta pa sa canteen bumili ng turon” at “hirap talaga pag nasaraduhan sa klase, hanggang labas ka nalang” at marami pang iba.

Samantala, tinaguriang campus cats ang mga nakunan sa video sapagkat nasa pangangalaga ito ng naturang unibersidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments