𝗖𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗧𝗜𝗞, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Bumungad sa kawani ng Municipal Engineering Office ng Mangaldan ang pinaghalong putik at basura na naipon sa isang canal sa Brgy. Amansabina.

Ito ang tinuturong dahilan kaya hindi maayos na dumadaloy ang tubig baha at dumiretso ang tubig sa mga kabahayan at kalsada.

Ikinababahala ng mga residente dito ang masangsang na amoy ng tubig baha dahil maari umano itong pagmulan ng lamok na may dalang dengue virus lalo na at ilang araw nang hindi humuhupa ang baha.

Isasangguni sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang naturang isyu sa drainage upang magsagawa ang ahensya ng declogging operation sa lalong madaling panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments