Agaw atensyon ngayon ang Capitol Beach Park sa Lingayen, Pangasinan matapos itong gawin Christmas Village.
Namumutiktik sa iba’t ibang klase ng ilaw ang lugar na kinaaaliwan ng mga bata at matatanda.
Kabilang sa mga atraksyon ay ang gingerbread man, snowman at mga miniaturang bahay na nagsisilbing simbolo ng kasayahan at pagmamahalan tuwing kapaskuhan.
Bukod dito nag-umpisa na rin dayuhin ng mga bumibisitang turista at residente ang mga food stalls na nag-aalok ng mga lokal na pagkain.
Kahit hindi Pasko, marami na ang mas pinipiling mamasyal sa Capitol Beach Park dahil sa ganda nito at sa Dalang simoy ng hangin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments