𝗖𝗔𝗥𝗜𝗧𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Hatid ng selebrasyon ng Caritas Day ng Vicariate of St. John The Evangelist ang iba’t-ibang serbisyo para sa mga Dagupeños.

Saklaw nito ang libreng Medical Check-up, Blood Typing at Bloodletting sa ilalim ng Alay para sa Kalusugan at Free Legal Consultation alinsunod sa Alay para sa Kapayapaan, Katarungan at Mabuting Pamamahala.

Kasabay pa nito, naisagawa rin ang Skills and Wellness Training na may layong makapagbahagi ng kaalaman lalo na sa mga residenteng naghahanap ng trabaho.

Ang Caritas Day ay ginaganap sa ika-5 ng Septyembre taon-taon upang kilalanin ang tulong at sakripisyo ng Charity Organization at simpleng pagsasabuhay ng kawanggawa upang mapabuti ang buhay ng mga nangangailangan sa lipunan.

Samantala, naging posible ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Simbahang Katoliko sa City Health Office Dagupan at Region 1 Medical Center. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments