
Cauayan City – Hindi pa tapos ang laban para kay Carlos Yulo sa kabila sunod-sunod na tagumpay sa iba’t ibang international tournaments. Mula SEA Games hanggang Olympics, patuloy niyang dinadala ang karangalan sa Pilipinas.
Sa kabila ng kanyang mga medalya, target niyang ipagtanggol ang dalawang korona sa 2028 Olympics sa Los Angeles. Aniya, marami pa siyang gustong maabot sa kanyang karera.
Naniniwala rin si Yulo na kaya pa niyang sumabak sa 2032 Brisbane Olympics. Gayunman, prayoridad niyang manatiling healthy at makaiwas sa injury sa bawat ensayo at kompetisyon.
Sa ngayon, nagpapahinga muna siya at nagbabakasyon kasama ang kasintahang si Chloe.
Facebook Comments










