
Cauayan City – Nagpatuloy ang relief operations ng DSWD Field Office 02 sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT) program para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Uwan sa Lungsod ng Santiago.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagtugon ng ahensya sa mga nasalanta ng kalamidad, alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyaking may agarang tulong ang mga biktima.
May kabuuang 1,801 pamilya ang nakinabang sa programa, kabilang ang 77 pamilyang lubos na nasira ang kanilang mga tahanan at 1,724 pamilyang may bahagyang pinsala sa bahay.
Tumanggap naman ng ₱10,125 ang mga pamilyang totally damaged ang bahay at ₱5,250 naman ang ibinigay sa mga may partially damaged na tahanan, bilang tulong sa kanilang agarang pangangailangan at pagbangon.
Source: DSWD REGION 2
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










