𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ni DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan ang pamamahagi ng cash assistance sa mga partner-beneficiaries sa ilalim ng Project LAWA at BINHI sa Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Nasa kabuuang Php 9,130,800 ang halaga ng cash assistance na naipamahagi kung saan 8,400 pesos bawat isa ang natanggap ng 1,087 partner-beneficiaries na nagmula sa 13 barangays ng nabanggit na lungsod.

Nagpasalamat naman si RD Alan sa patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan sa implementasyon ng naturang proyekto.


Dagdag pa nito na ang proyekto ay inisyatiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na naglalayong matugunan ang krisis sa kakulangan ng tubig at pagkain dahil sa epekto ng tagtuyot maging ang paghahanda sa nalalapit na La Niña.

Facebook Comments