𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗜𝗡𝗖𝗘𝗡𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗚𝗨𝘀 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗘𝗥𝗖𝗨𝗟𝗢𝗦𝗜𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝟭

Ipinamahagi ng Department of Health Ilocos Region sa mga lokal na gobyerno ang kanilang mga cash incentives bilang kanilang award sa pagsuporta at pagbibigay serbisyo sa komunidad para wakasan ang sakit na Tuberculosis o TB sa rehiyon.

Ibinigay ang mga cash incentives sa mga LGUs na ito sa ginanap na Race to End TB Annual Awards kung isinasaad dito ang pagbibigay importansya ng ahensya sa mga LGUs na suportado sa kanilang programang Zero TB sa mga komunidad at maibigay sa mga ito ang serbisyong nararapat pagdating sa kalusugan.

Ayon kay Local Health Support Division – OIC Dr. Rosario P. Pamintuan, kailangan pa umanong pagbutihin ang kanilang paghhanap sa mga taong maaaring may sakit na Tuberculosis lalo sa mga lokal na komunidad.

Dagdag pa nito, dapat rin silang hikayatin na magpagamot nang sa gayon ay natigil na ang transmission niyo at mawakasan ang TB sa loob ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments