š—–š—”š—Øš—”š—¬š—˜Ć‘š—¢ š—”š—„š—”š—œš—¦š—”š——š—¢š—„, š—”š—”š—žš—”š— š—œš—§ š—”š—”š—š š—šš—œš—”š—§š—¢š—”š—š š— š—˜š——š—”š—Ÿš—¬š—” š—¦š—” š—£š—”š—Ÿš—”š—„š—¢š—”š—š š—£š—”š— š—•š—”š—”š—¦š—”

Cauayan City – Matapos ang 18 taon na bigong pagkamit sa gintong medalya, sa wakas ay muling nakapag-uwi ng gintong medalya ang Rehiyon Dos sa larong Arnis sa Palarong Pambansa.

Kinilala ang Gold Medalist na si Danivic Arellano Cali, 18 taong gulang, kasalukuyang nag-aaral bilang Grade 11 TVL Student sa Cauayan City Stand Alone Senior Highschool.

Nakamit ni Cali ang gintong medalya sa Arnis Pin Weight Secondary Boys kung saan pinataob nito ang katunggali mula sa National Capital Region sa score na 6-4.


Si Cali rin ang kauna-unahang CauayeƱo Athlete na nakapag-uwi ng gold medal mula sa Palarong Pambansa, kaya ito ang unang Gold Medal ng lungsod ng Cauayan sa nabanggit na kompetisyon.

Facebook Comments