𝗖𝗖𝗦𝗔𝗦𝗛𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗕𝗜

CAUAYAN CITY- Binigyang linaw ng Cauayan City Stand Alone Senior High School ang kanilang pinaplanong paglunsad ng night high school.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong John Mina, Secondary School Principal IV ng CCSASHS, ang programang ito ay para lamang sa mga working students, employed man o self-employed.

Aniya, base sa kanilang obserbasyon sa mga nakaraang taon, madalas nagiging sanhi ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral ay nagta-trabaho ang mga ito.


Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga working students na mapagtuunan pa rin ng pansin ang kanilang pag-aaral.

Facebook Comments