Dahil nagsisimula na ang pag-ulan sa lungsod ng Dagupan, tiniyak ngayon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na handa sila sa anomang sakuna na maaring maranasan ng lungsod.
Ayon sa ahensya, na upgrade na ang kanilang mga kagamitan para sa pagresponde.
Tinututukan ng tanggapan ang mga barangay sa lungsod na madalas makaranas ng malawakang pagbaha.
Tuloy din umano ang pagsasagawa ng kanilang mga disaster preparedness programs at disaster preparedness trainings sa barangay, paaralan at iba pang tanggapan upang maihanda sa anumang sakuna.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments