Tuesday, February 24, 2026

β€Žπ—–π—˜π—‘π—§π—˜π—‘π—’, π—‘π—”π—¦π—¨π—‘π—šπ—žπ—œπ—§ π—”π—‘π—š π—¦π—˜π— π—œπ—™π—œπ—‘π—”π—Ÿ π—¦π—Ÿπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—¦ π—©π—˜π—šπ—”π—¦ π—’π—£π—˜π—‘

β€ŽCauayan City – Umabante sa semifinals ng Las Vegas Open si Chezka Centeno matapos pagdaanan ang isang matinding quarterfinal match sa Westgate Las Vegas Resort and Casino sa Nevada.
β€Ž
β€ŽKinailangan ni Centeno ang halos tatlong oras bago tuluyang matalo ang dating world champion na si Jasmin Ouschan sa iskor na 2-1.
β€Ž
β€ŽAminado si Centeno na sinuwerte lamang siya sa ilang pagkakataon, ngunit nagpapasalamat siya sa pagkakataong makapasok sa susunod na yugto ng torneo.
β€Ž
β€ŽSa semifinals, haharapin naman niya si Kristina Zlateva ng Bulgaria na umusad matapos talunin si Sofia Mast sa iskor na 2-0.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments