𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗜𝗔𝗟 𝗗𝗘𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Matagumpay na sinira sa Dagupan City ang mga kumpiskadong ipinagbabawal na mga paputok nitong nagdaang pagsalubong sa bagong taon.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PCapt, Shayne Daciego ang Police Community Affairs and Development -Police Commmunity Officer ng Dagupan PNP, na isinagawa ang unang destruction ng mga paputok na ito noong ika-30 Disyembre 2023 at nito lamang ika- 7 ng Enero 2024 ginanap ang ikalawang pagsira sa mga kumpiskadong iligal na paputok.

Sa datos ng PNP humihigit kumulang nasa ₱18, 0000 ang halaga ng mga ito.

Ilan lamang sa mga nakumpiskang paputok na sınıra ng awtoridad ang nasa 100-1,000 rounds ng sinturon ni Hudas, kwitis, dynamite, Luses, Triangulo, Bawang, fountain, Giant Trompillo at iba pa. Na lampas sa .02 grams ang mga pulbura.

Aniya may mga paputok na subject at large o subject for investigation na gagamitin sa korte bilang pruweba sa mga kakasuhan sa korte.

Dagdag pa nito na may labindawalang indibidwal ang kakasuhan sa ilalim ng paglabag sa RA 7183, An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

Pinangunahan ang naturang ceremonial destruction o pagsira sa mahigit 10, 000 iligal na paputok ng mga kawani ng Dagupan City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Brendon Palisoc, OIC Chief of Police ng Dagupan PNP kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Isinagawa ang opisyal na disposal ng mga ito sa harap mismo ng Dagupan City Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments