𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡’𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ginanap ang isang Citywide Children’s Congress sa Don Lepoldo Sison Convention Center sa Alaminos City.
Nasa animnapu (60) kabataan ang dumalo mula sa Barangay Council for Protection (BCPC) at ilang Children’s Organizations and Sectors.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development ang naturang aktibidad.

Tinalakay sa naturang programa ang mga karapatan ng kabataan, kanilang mga kinakaharap na isyu at kanilang tungkulin bilang child representatives sa kanilang komunidad.
Layunin ng programa na mabigyan ng boses ang mga kabataan sa lungsod, maitaas ang kanilang kamalayan sa kanilang mga karapatan at malaman ang kanilang mga pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments