𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡’𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦; 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔

Nilinis ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang Children’s Park sa tondaligan beach kung saan isa sa mga lugar na madalas na pasyalan ng mga tao lalo kung may kasamang mga bata.

Ang paglilinis sa buong paliging naturang park ay para sa layon na mapanatiling malinis at ligtas ang mga lugar na pinapasyalan ng mga bisita lalo pa at mga bata ang lagging naglalaro sa playground area ng beach.

Ayon sa post na inilabas ng alkalde ng lungsod, Mayor Belen Fernandez na inihahanda na rin nila umano ang nakatakdang pag-rerehabilitate sa naturang playground dahil sa nakitaan na ng kalumaan, kalawang at pagkasira ang ilan sa mga ito.

Ang paglilinis rin na ito ay alinsunod rin umano sa programa ng pangulo na Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments