𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Mas pinalakas pa ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang kapabilidad ng bayan pagdating sa pagbibigay proteksyon sa mga batang residente nito.

Alinsunod dito, nagsagawa ng joint capacity building seminar sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office upang matalakay ang mga kaalamang nakapaloob ukol dito.

Inaasahan na sa pamamagitan nito, magkakaroon ng mas pinalawig ng hakbang ang mga kawani ng gobyerno sa pagpapahalaga sa proteksyon at karapatan ng mga bata sa bayan.

Layon pa ng naturang aktibidad na mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga social workers, mga kaguruan, maging mga inatasang opisyal sa bawat barangay sa pagtugon sa anumang kaso na kinabibilangan ng mga bata at kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments