Inilunsad sa Dagupan City ang ChinaTown bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year ngayong 2024.
Nag-umpisa ang Chinatown na ito nitong ika-8 ng Pebrero at magtatagal sa mismong araw ng Chinese New Year.
Iba’t ibang mga aktibidad ang maaaring gawin o tangkilikin ng mga bibisita sa City Plaza gaya ng mga chinese food, maaaring kausapin ang feng shui interpreter, palaro, mga mascots na chinese characters (cosplay), photo up, mga maswerteng halaman at marami pang sorpresa.
Bukod sa aktibidad na ito, inilunsad din ng LGU ang photo online contest na pinamagatang My kind of Chinese New, kung saan mananalo ng tumataginting na salapi na hanggang ₱5,000.
Samantala, matatandaang idineklara ni PBBM ang araw ngayon na ika-9 ng buwan ng Pebrero na special non-working holiday bilang karagdagang araw sa pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨