Thursday, February 12, 2026

‎𝗖𝗛𝗢𝗖𝗢𝗟𝗔𝗧𝗘 𝗕𝗢𝗨𝗤𝗨𝗘𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗, 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡

‎Cauayan City – Ilang araw bago ang Valentine’s Day, matumal pa rin ang bentahan ng chocolate bouquet sa  Lungsod ng Cauayan.

‎Ayon kay Jessica, staff sa isang chocolate shop sa lungsod, P250 ang pinamurang chocolate bouquet nila habang ang pinakamahal naman ay nasa P1,600.

‎Dagdag pa nito, mas mabenta umano ang mga naka-packs na chocolate kaysa sa mga chocolate bouquets.

‎Sinabi rin nito na bukas rin sila sa mga customized chocolate bouquets subalit nakadepende ang presyo nito sa klase ng tsokolateng ilalagay.

‎Samantala, umaasa naman sila na magiging mabili ang mga chocolate bouquets sa araw mismo ng mga puso.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments