Ginanap ang Christmas Fellowship Program para sa mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Service Point Officers (BSPOs), at Child Development Workers (CDWs) ng ikalawang distrito ng Pangasinan sa Mangatarem-I Central School, Mangatarem Pangasinan.
Kasabay nito ay nabigyan din ng tulong pinansiyal ang mga BHWs, BNS, BSPOs, at CDWs ng ikalawang distrito ng Pangasinan na kinabibilangan ng Mangatarem, Aguilar, Urbiztondo, at Basista.
Programa ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo.
Sa kabuuan ay umabot sa 1,403 ang nabigyan ng tig-dalawang libong pisong tulong pinansiyal.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨