Nasa 2,000 delegado mula sa iba’t-ibang institusyon sa Pangasinan ang inaasahang dadagsa sa selebrasyon ng Diocese Christ the King 2024 na idadaos sa Mangatarem bukas.
Ang naturang relihiyosong selebrasyon ay dadaluhan ng mga mag-aaral at kawani ng catholic schools maging ng mga parish at youth ministries sa Pangasinan na makikiisa sa isasagawang Youth Camp.
Magsasagawa naman ng prusisyon sa darating na linggo sa Brgy. Bogton, Mangatarem na maaring magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga motorista.
Dahil dito, nagbigay abiso ang lokal na pamahalaan na maaring dumaan sa Urbiztondo at Bayambang Road ang mga motorista na may rutang Manila via Camiling at Alaminos.
Pinaiigting naman ang koordinasyon ng POSO at PNP upang maging matiwasay ang pagdaraos ng selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨