CAUAYAN CITY – Ipinagdiwang ng Municipal Local Government Unit (MLGU) ang Citrus Festival sa bayan ng Kasibu sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kasama ng mga citrus farmers na nagsimula noong ika-7 hanggang ika-10 ng Agosto.
Iba’t ibang aktibidad ang naganap sa pista tulad ng Agri-tourism Trade Fair, Miss Kabisu 2024, Kasibunian Night, at marami pang iba.
Natunghayan din ang tradisyon at kultura ng mga Indigenous People na nagtaguyod ng citrus farming sa nabanggit na bayan.
Matatandaan na noong ika-24 ng Hunyo taong 2022 ay idineklara ni former Department of Agriculture Secretary Dr. William Dar ang Kasibu bilang Citrus Capital of Luzon.
Facebook Comments