𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗥𝗢𝗢𝗠 𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 – 𝗡𝗣𝗧𝗔

Dapat umano na matutukan ang mga classroom at iba pang kagamitang pang-edukasyon para sa pagbibigay ng maayos at dekalidad na edukasyon ayon sa grupong National Parent and Teacher Association o NPTA.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, suhestyon nito ay dapat umanong kamustahin ang mga classroom sa bawat paaralan, kung ilang classrooms umano ang pinatayo at ipinagawa.

Wala umano kasi silang narinig sa loob ng dalawang taon tungkol sa kalagayan ng mga classrooms na siyang isa sa importanteng ginagamit sa paaralan para sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Dagdag pa nito, bawat taon ay tumataas ang bilang ng mga mag-aaral na nagpapa-enroll sa mga pampublikong paaralan kung kaya’t dapat lamang na may sapat na classrooms para sa mga ito.

Hinirit din nito ang tungkol sa kasalukuyang kurikulum na sana’y pakatutukan rin lalo na sa pag-iimplementa ng mga isinasagawang learning methods para sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments