Umaarangkada ang pamamahagi ng rice seeds para sa wet cropping season ngayong taon sa mga bara-barangay sa bayan ng San Nicolas.
Nasa mahigit apat na raang mga magsasaka mula sa tatlumpo’t-dalawang barangay ang tumanggap ng hybrid at inbred rice seeds kung saan ito ay climate resilient na binhing kayang yumabong sa gitna ng climate change.
Bahagi ang nasabing distribusyon sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Seed Program ng DA.
Kasabay pa ng pamamahagi ng rice seed varieties ay ang pagtanggap pa ng rehistradong magsasaka ng bayan ng biofertilizer, pawang makatutulong sa kanilang pagsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments