Cauayan City – Nananatili pa ring suspendido ang coastal flights sa Cauayan Airport na patungo nga sa mga coastal areas sa lalawigan ng Isabela.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Police Executive Master Sergeant Leonardo Macaraeg, Station Executive Senior Police Officer ng Cauayan Airport Police Station, ang pansamantalang suspensyon ng Coastal flights sa paliparan ay bunsod ng banta ng bagyong Marce.
Aniya, sa ngayon ay may mangilan-ngilang mga pasahero ang nagtutungo sa paliparan upang magbakasaling makasakay pauwi sa coastal areas sa lalawigan subalit sinabi ni PEMS Macaraeg na hanggang mayroong nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan ay awtomatikong suspendido ang coastal flights.
Samantala, aniya nanatili namang normal ang domestic flights kayat tuluy-tuloy pa rin ang biyaheng himpapawid.
Nagpaalala naman si PEMS Macaraeg sa mga biyahero na siguraduhing sumunod sa mga umiiral na patakaran at panuntunan sa paliparan upang hindi na magkaroon pa ng aberya sa kanilang flights.