𝗖𝗢𝗗𝗘 𝗪𝗛𝗜𝗧𝗘 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Itinaas ang Code White Alert ng Department of Health Region 1 dahil sa Bagyong Pepito.

Ayon sa ahensya, nakaantabay ang mga emergency health teams at nakaalerto ang lahat ng public facilities sa rehiyon upang magbigay ng agarang tulong medikal.

Nakapaglagay na rin ng mga emergency commodities ang ahensya sa Gaya ng gamot sa mga provincial health offices.

Nakahanda rin ang mga ito na tutok sa kalagayan ng mga inilikas sa evacuation centers para sa kanilang kalusugan, sanitasyon, nutrisyon at mental support.

Paalala ng tanggapan makinig sa abiso ng Pamahalaan upang maiwasan ang mas malalang insidente sa panahon ng Bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments