Mananatili pa ring nakataas sa Code White Alert Status ang mga hospital sa Ilocos Region ayon sa Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD1).
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Medical Officer IV ng DOH-CHD1, Dr. Rheuel Bobis, ibabalik din sa no code status ang mga pagamutan sa rehiyon pagkatapos ng kanilang surveillance ngayong linggo ngunit mananatili pa rin ang status na ito dahil inaasahan ng ahensya na may mga posible pa ring itatakbo sa mga pagamutang magiging biktima ng mga paputok ngayong pagsalubong sa taong 2024.
Bukas pa rin hanggang sa ngayon ang tinatawag na fast lane o express lane para sa mga pasyenteng itatakbo sa mga pagamutan sa rehiyon.
Samantala, base sa pinakahuling monitoring ng DOH-CHD1 nakitaan na ng pagtaas ang kaso ng naputukan sa Ilocos Region.
Base rin sa watchlist ng Pambansang Kagawaran ng Kalusugan pangalawa ang Ilocos Region na may pinakamataas na kaso ng Fireworks-related injuries ngayong salubong 2023 kung saan nangunguna rito ang NCR, Ilocos Region, sinusundan naman ito ng CALABARZON, Central Luzon at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨