𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗨𝗧𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Patay ang isang 18 anyos na college student matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa bagong gawang tulay sa Dawel Bridge, Brgy. Pantal Dagupan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mabilis umano ang takbo ng rider kasama ang dalawa pang back ride nito na pawang residente ng Baguio City.

Sa bilis ng takbo, hindi na napansin ang kurbadang linya ng bagong gawang tulay dahilan nang pagkabangga ng mga ito sa gutter ng kalsada at tumilapon ang tatlo mula sa kanilang sinasakyang motorsiklo.

Isinugod sa pagamutan ang tatlo matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ngunit hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang driver ng motorsiklo.

Lumalabas na nasa impluwensya ng alak ang tatlo nang mangyari ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments