Monday, January 19, 2026

π—–π—’π—Ÿπ—’π—₯ 𝗙𝗨𝗑 π—₯𝗨𝗑, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬β€Ž

β€Ž
β€ŽCauayan City – Isinagawa kahapon, ika-18 ng Enero 2026 ang Color Fun Run, isang aktibidad na bahagi ng Bambanti Festival 2026.

Dinaluhan ito ng mga daan-daang katao kabilang na ang mga kabataan, organization leaders, kababaihan, at kalalakihan bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga IsabeleΓ±o.
β€Ž
β€ŽAng aktibidad ay naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay at palakasin ang diwa ng pagkakaisa bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Bambanti Festival.
β€Ž
β€ŽBukod sa saya at kulay, naging daan din ang aktibidad upang isulong ang sports at wellness tourism sa lalawigan.
β€Ž
β€ŽAng Color Fun Run ay isa lamang sa maraming aktibidad na inihanda ng pamahalaang panlalawigan para sa Bambanti Festival 2026 na patuloy na nagbibigay-diin sa kultura, pagkakaisa, at masiglang diwa ng mga IsabeleΓ±o.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments