Walang nakikitang problema ang tanggapan ng Commission on Election o COMELEC at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan sa posibilidad na ipatupad ang random drug test para sa mga elected, appointed, at mga tatakbong opisyal.
Ayon kay PDEA Pangasinan Provincial Director, Rechie Camacho, matagal na umano itong isinusulong, kaya naman ang kanilang tanggapan ay handa umanong sundin ang pagpapatupad nito.
Nilinaw naman ni COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Marino Salas na nagbaba na umano noon ang Korte Suprema na labag sa batas ang pagsubmit ng drug test.
Gayunpaman, sakaling maging batas ay wala naman silang nakikitang masama.
Nilinaw ni Salas, na sa ngayon ay kailangan muna umanong sundin ang umiiral na batas na hindi pagpuwersa sa mga nasabing opisyal na magpasa ng resulta ng kanilang drug test. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨