
ββCauayan City – Limang katao ang hindi inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) Cauayan sa kanilang aplikasyon na maging botante ng lungsod.
β
βSa naging panayam ng IFM News Team kay Atty.Β Johanna Vallejo, Election Officer ng COMELEC Cauayan, ibinahagi nitong isa sa mga aplikante na kinilalang si alyas “Joy” ay gumamit ng ibang pangalan sa aplikasyon.
β
βIto ay matapos ibang fingerprint ang nadedetect ng kanilang Automated Fingerprint Identification System (AFIS).
β
βIbinahagi rin ni Atty. Vallejo na kinausap na niya ang nabanggit na aplikante kaugnay sa nangyari kung saan inamin naman nito na hindi niya totoong pangalan ang ginamit sa National ID.
β
βSinabi rin nito na maraming batas ang na-violate sa nangyari katulad ng Identity Theft at Perjury.
β
βNakipag-ugnayan na rin ang kanilang opisina sa PNP Pampanga upang malaman kung may kinakaharap bang kaso sa kanilang lugar si alyas “Joy”.
β
βMaliban dito, hinihintay na rin ni Atty. Vallejo ang tugon ng Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa maling detalyeng nasa ID ni alyas “Joy”.
β
βBukod sa nabanggit na isyu, ilan din sa mga botante ang nag-register kung saan iba na ang kanilang apelyidong gianagamit dahil kasal na.
β
βPaliwanag ng election officer na sa mga ganito namang pangyayari ay dapat correction ang ginagawa ng mga botante.
β
βSamantala, muling nagpaalala si Atty. Vallejo na seryosohin ang pag-apply ng voter’s registration.
—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










