Inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 ang Community Based Anti-Illegal Drugs Advocacy sa bayan ng Manaoag sa kabila ng pagiging drug-free municipality.
Tinalakay sa naturang seminar ang patungkol sa Barangay Drug Clearing na nais pang pagbutihin ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang seguridad ng komunidad laban sa ilegal na droga. Matatandaan na kamakailan lamang ay idineklara bilang drug-free municipality ang Manaoag matapos pumasa sa evaluation ng PDEA ang nalalabing barangay bilang drug-cleared.
Kaugnay nito, hinimok ng lokal na pamahalaan ang pamunuan ng bawat barangay sa koordinasyon at pagpapaigiting ng kampanya laban sa ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments