Ilulunsad ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa Pangasinan ang isang programang naglalayon na tutukan ang kapakanan at interest ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Ayon kay Commission on Filipino Overseas (CFO) Secretary, Romulo Arguay, ilulunsad bukas ang Community Education Program sa Pangasinan partikular sa Urdaneta City at San Carlos City na dinaluhan ng kawani ng Local Government Units, Non-Governmental Organizations at sektor ng edukasyon.
Liban dito, magsasagawa rin ng tanggapan Mobile Pre-Orientation Seminar sa ibang bayan sa lalawigan .
Ang paglulunsad ng programang ito ay naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga Pilipino partikular ang mga Pangasinense tungkol sa konsepto ng migration at pagbibigay ng kaalaman sa irregular migration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨