Tinalakay sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang kaugnay sa conflict in quarry areas sa mga lalawigan ng Pangasinan at La Union na natukoy ng lokal na pamahalaan ng Sison.
Iminungkahi ng Municipal Development and Planning Officer ng LGU Sison ang kaugnay sa problemang kinahaharap umano ng bayan bunsod ng epektong dulot ng paggamit ng extraction sa Pangasinan partikular sa isang barangay sa Sison bagamat sa lalawigan ng La Union isinisilbi umano ang bayad.
Inalmahan ito ng kawani mula sa LGU Sison maging ang isa sa namumunong Board Member sa 5th District ng Pangasinan dahilan na kung kumpirmadong ang quarry area na ginagamit ay sakop pa ng probinsya, mas maigi kung nakikinabang din ang mga nasasakupan nito pagdating sa buwis.
Hiling din nito sa mga concerned agencies sa ilalim at sa DENR para sa tamang reference ng kabuuang mapa at basis at wastong boundary description upang mabigyan ng agarang aksyon ang nasabing isyu.
Samantala, magpapatuloy pa ang nasabing talakayin kaugnay nito upang mas mabigyang linaw ang nararapat pang mga hakbangin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨