𝗖𝗢𝗡𝗚𝗘𝗦𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗝𝗔𝗜𝗟 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bumaba ng 127% ang congestion rate sa mga jail facility sa rehiyon uno ngayong taon ayon sa datos na iprinisinta ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 1.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa naitalang datos noong nakaraang taon kung saan nasa 152% na congestion rate. Isa sa sinabing dahilan nang pagbaba ng congestion rate sa mga jail facility sa rehiyon ay ang pagpapaigting ng kagawaran sa kanilang mga paralegal efforts kung saan umakyat sa higit pitong daan o 742 PDLS ang napalaya ng BJMP Region 1.

Samantala, tinitiyak ng kagawaran na suportado ang mga PDL sa kanilang paglabas dahil ito ay napasakamay sa local government units na nagbibigay ng maaring tulong upang matanggap sa trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments