Sunday, February 15, 2026

𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔.𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Cauayan City – Malapit ng matapos ang konstruksyon ng itinatayong connector bridge para sa Cabagan-Sta. Maria Bridge.

Ang nabanggit na temporary steel connector ay ang siyang pansamantalang pamalit sa ikatlong span ng nabanggit na tulay matapos itong bumagsak noong nakaraang taon.

Ayon kay Engr. Dante Asuncion ng Advanced Foundation Construction Systems Corporation, umabot na sa 90% ang natatapos sa nabanggit na connector bridge.

Sa nabanggit na steel connector bridge, gumamit ang mga ito ng malalaki at makakapal na steel pipes na siyang ibinaon sa lupa upang matiyak ang matibay na pundasyon nito. Naglagay rin ng cross channel na nagdurugtong sa bawat isa upang maiwasan na gumalaw ang mga ibinaong pundasyon, habang girder naman ang ikinabit sa connector bridge bilang suporta sa mga steel plate.

Kapag natapos, maaari ng buksan muli ang tulay ngunit tanging ang mga light vehicles lamang ang maaaring dumaan dito.

Inaasahan na oras na mabuksan ang tulay, mapapabilis muli ang daloy ng transportasyon sa mga apektadong lugar at maibabalik ang mabilis na pagbiyahe at paghahatid ng mga produkto at mga serbisyo.

Matutugunan rin nito ang problema sa transportasyon ng mga residente lalo na tuwing umuulan kung saan hindi madaanan ang datig overflow bridge dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

SOURCE. ISABELA PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments