Nasa kabuuang porsyento na 90.57% o katumbas nito ang nasa dalawang libo, dalawang daan at limampuβt anim o 2, 256 na pampasaherong sasakyan sa Pangasinan ang kabilang na sa umiiral na PUV Consolidation alinsunod sa isinusulong na PUV Modernization Program.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa 2, 491 ang kabuuang bilang ng lahat ng parehong modernized at tradisyunal na Public Utility Vehicles.
Habang may higit 90% na, na kasama sa mga Transport Service Entities o ang mga pampublikong sasakyan na naconsolidate na ang mga minamanehong units, ito ang mga kasali na sa kooperatiba, mayroong naiwan ng 10% o 235 units ang hindi pa consolidated.
Ito ang inihayag ng Regional Director mula sa pamunuan ng LTFRB maging iba pang talakayin kaugnay sa usapin ng Modernization Program ng pamahalaan sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Inihayag pa ng RD na sakaling hindi talaga makapagconsolidate ang natitirang 235 na units sa deadline sa darating na Dec. 31 ay wala umano itong epekto sa pagbibigay serbisyo sa transport services.
Samantala, hinihikayat pa ang lahat ng mga operators na mapabilang sa mga kooperatiba upang hindi sila mapatigil sa pamamasada. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments