Hanggang sa December 31 na lamang ang deadlines ng consolidation ng mga PUV o public utility vehicles units sa ilalim ng umiiral na PUV Modernization Program at hindi na ito palalawigin pa.
Alinsunod dito, hinikayat ang lahat ng drivers at operators na mapabilang sa mga kooperatiba kahit pa ang ilan sa mga ito ay hindi pa nakapag-avail ng mga modernized jeepneys.
Sa kaugnay na balita, hanggang ngayon ay ilang mga transport group pa rin ang patuloy na pinapahayag ang kanilang pagtutol sa modernization program dahilan na hindi kaya ng isang ordinaryong operator ang malaking halaga na gagamitin sakaling iupgarde ng mga ito ang pinapasadang mga pampasaherong sasakyan.
Samantala, bagamat mangilan ngilan din sa lalawigan ng Pangasinan ay hindi rin sang-ayon sa programa, wala umano magawa ang mga ito dahil patuloy na ang pagsusulong nito at dumadami na rin ang mga kabilang sa modernisasyon.
Umaasa na lamang umano ang mga ito sa tulong na maibibigay ng pamahalaan sakaling mawalan ang mga ito ng trabaho sa pamamasada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments