𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗖𝗞 𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡

Patay ang isang singkwentay sais anyos na construction worker matapos itong mabangga ng motor at magulungan pa ng isang pick up sa bayan ng Bugallon.
Ang biktima ay nakilalang si Alfredo Calugay residente ng Salumague Sur sa nasabing bayan.
Naganap ang aksidente pasado alas sais ng gabi sa lugar ng biktima kung saan ay sakay ito ng bisikleta at patawid sa kalsada ng aksidenteng mabangga ng motor dahilan upang matumba.

Sa kasamaang palad ay nagulungan naman ito ng isang pick up na parating mula sa kabilang direksyon at dito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival.
Dinala naman sa himpilan ng PNP ang mga driver ng motor at pickup para sa imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments