𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang isang construction worker sa matapos nitong halayin ang kaniyang sariling pamangkin sa Brgy. Puelay, Villasis. Isinilbi ang warrant of arrest sa suspek na si Leo Angelo Remoblas, at tinukoy na Top 1 Most Wanted Municipal Level sa bayan ng Villasis.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, October 2023 pa ng maganap ang umano’y panghahalay sa kaniyang pamangkin nang iwan ito sa kaniya ng kapatid ng biktima.

Nagkaroon na umano ng pag-uusap ang dalawang panig at nagkasundong iatras ang kaso ngunit kailangan pa nila itong iapela sa korte. Nahaharap sa kasong Qualified Rape at Rape through Sex Assault ang suspek na may piyansang P120, 000.

Samantala, ayon sa Women and Children Protection Desk ng Villasis Police Station bumaba ang kaso ng karahasan sa bayan kung ihahambing sa datos noong nakaraang taon. Patuloy naman ang paalala ng awtoridad na huwag basta-basta ipagkakatiwala ang anak sa kung sinoman upang maiwasan ang ganitong klase ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments