𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘

Sugatan ang isang construction worker matapos itong barilin ng isang magsasaka sa Umingan, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hinarang ng suspek ang tricycle na sinasakyan ng biktima. Lumapit ang suspek at binaril ang biktima sa tiyan.

Naabutan ng ama ng biktima ang pangyayari at agad na kinuha ang baril sa suspek na ginamit sa krimen.

Tumakas ang salarin at kasalukuyang pinaghahanap ng awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments