𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek sa pamamaril sa isang construction worker sa Brgy. Bonuan Gueset Dagupan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bago pa man mangyari ang pamamaril sa biktima inakusahan na ito ng suspek na nambabato di umano sa kaniyang bahay at kapitbahay.

Nagalit umano ang suspek at binaril ang 33 anyos na biktima. Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kaniyang tagiliran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments