𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗

Natagpuan ng awtoridad malapit sa tulay ng Bislak River ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa Brgy. Sta. Maria, Vintar, Ilocos Sur.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas sais ng gabi ng October 21 nang mangisda umano ang biktima sa naturang ilog ngunit hindi na nakauwi.

Bandang alas tres y medya ng hapon ng October 23 nang matagpuan ang katawan ng biktima sa nasabing lugar.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments