𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗞𝗕𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Kalaboso ang isang construction worker matapos itong mahuli sa isinasagawang follow-up operation ng mga otoridad nang tinangka umano nitong takbuhan ang Isang estudtyante na nabangga nito Habang tumatawid sa kalsada.

Ang suspek ay nakilalang si Modesto Abalos residente ng Barangay Paitan West sa nasabing bayan.

Naganap ang insidente sa bahagi ng bARANGAY din ng suspek pasado alas-siyete ng Gabi nang mabangga ng tricycle na minamaneho ng suspek ang biktima Habang tumatawid sa kalsada pasado alas-siyete ng Gabi.

Subalit imbes na tigilan ay sinubukan pa umanong tumakas ng suspek matapos ang aksidente Habang isinugod na ng mga kaanak ang biktima na patuloy na inoobserbahan.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ay natunton ang suspect sa kanyang bahay at napag alaman din na lasing ito ng maganap ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments