𝗖𝗒𝗑𝗦𝗧π—₯π—¨π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—›π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—¬ π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—‘π—š π— π—˜π—‘π—’π—₯ π——π—˜ π—˜π——π—”π——

Arestado ang isang construction worker sa San Fabian matapos ang diumano’y panghahalay nito sa isang menor de edad.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, labing siyam na taong gulang ang suspek na residente ng Brgy. Cayanga sa bayan..

Dagdag pa sa imbestigasyon, kakilala diumano ng suspek ang kanyang hinalay na menor de edad. Kasong statutory rape ang haharapin ng suspek.

Panawagan ng PNP San Fabian na huwag ipagkatiwala ang mga anak sa kahit sinuman na hindi kakilala upang makaiwas sa panganib. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments