Patuloy na isinusulong ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang gumugulong na programang Corporate Farming.
Hinihikayat ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang mga magsasaka na makiisa sa naturang programa upang mabawasan ang ginagastos ng mga ito sa pagpoprodyus ng kanilang mga itinatanim.
Sa naganap na State of the Province Address ng kasalukuyang administrasyon, idiniin nito ang importansya ng agrikultura.
Samantala, sa naganap nitong pagsusuri, naging matagumpay diumano ang pilot testing nito. Kung saan, nakatipid ang mga magsasaka ng 9.08 percent kada ektarya o nasa PHP 6,464 sa hybrid pala, samantalang 8.04 percent naman o PHP 5,091 sa inbred palay.
Layunin ng programang ito na maisaayos pa ang produksyon ng pagkain sa lalawigan gayundin ang pagsusutena ng ekonomiya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong institusyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨