Patuloy na umaarangkada sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan ang inilunsad na Corporation Farming ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ilang mga magsasaka partikular sa lungsod ng Alaminos, kasalukuyang napapakinabangan ang nasabing programa sa pamamagitan ng napababang gastusin at mataas na kita.
Saklaw pa nito ang paggamit ng mga makabagong makinarya na mas nagpapagaan at nagpapabilis ng trabaho ng mga magsasaka sa kanilang pagsasaka.
Samantala, matatandaan na kailan lamang nang inilunsad ang Provincial Corporate Farming Program na may layong paunlarin ang sektor ng agrikultura sa lalawigan, at mapakinabangan ng mga miyembro mula sa iba’t ibang farmer’s association sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments