Isa sa itinuturong dahilan kung bakit umabot, umano, humina ang mga kabataan lalo ang mga nasa elementary and secondary level ay dahil sa lockdown noong kasagsagan COVID pandemic, ayon sa group na National Parents Teachers Asscociation (NPTA).
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, nang makita niya ang memo, napansin nito na nagsimula ang pagdami ng mga humihina sa reading proficiency noong covid pandemic.
Dahil noong panahon umano ng pandemic, walang nagaganap na recitations, limited din ang pagkakaroon ng zoom classes ng mga guro sa estudyante kung saan sa piling subjects lamang at saka babase na lamang sa modular learning.
Ang mga modules naman na ginagamit ng gma mag-aaral ay madalas naman umanong sagutan ng mga magulang at hindi mismo ng estudyante kung kaya’t dumami rin daw ang nagkaroon ng mga academic achievements noong pandemya.
Payo ni Senieto, mas mainam kung magfocus na lamang sa monday to friday na klase kung saan bibigyan ng karampatang oras ang bawat subject na pinag-aaralan ng mga mag-aaral dahil kaakibat din sa mga subjects ang pagbabasa at comprehension sa mga context at concepts na nakapaloob dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨