𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗖𝗔𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔

Patuloy ang pagbaba ng bilang ang COVID-19 cases sa rehiyon uno, matapos makitaan ng bahagyang pagtaas noong nakaraang dalawang linggo.

Sa tala ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development, 34 ang bagong kaso ng COVID-19, mula Enero 28 – Pebrero 3. Malayo ang naturang bilang sa naitalang nasa halos 60 kada linggo noong nakaraang dalawang linggo.

Sa bagong tala ng DOH-CHD 1, lima ang average cases nito, kung saan 3% ng Non-ICU beds ang okupado, samantalang 10% naman sa mga ICU beds. Bagamat walang naitalang nasawi nitong linggo, isa naman ang naitalang kritikal.

Samantala, patuloy naman ang serbisyo ng kagawaran ng kalusugan upang masugpo ng tuluyan ang COVID-19. Hinihikayat nila ang bawat isa na huwag isantabi ang banta ng COVID at patuloy na sundin ang mga minimum public health standard para sa kaligtasan ng bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments