Tutukan ng awtoridad ang 34 na barangay ng Pozorrubio ang pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad mula alas dyis ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga.
Ito ay matapos umanong makapagtala ng ilang insidente ng karera ng motorsiklo at pagkakalat ng basag na bote sa ilang kakalsadahan sa bayan ayon sa ilang residente.
Sa ilalim ng naturang ordinansa, ang mga kabataan na mahuhuli sa itinakdang oras ng curfew ay dadalhin sa barangay hall hanggang sila ay masundo kanilang magulang o guardian.
Samantala, ipatutupad din ang pagsasagawa ng Oplan Sita o kabilaang checkpoints sa lahat ng barangay upang mabantayan ang kaligtasan ng mga residente kontra kriminalidad.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments