
Cauayan City – Nagbabala ang isang cardiologist ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na patuloy na tumataas ang kaso ng heart attack sa mas batang edad dahil sa hindi malusog na pamumuhay.
Ayon kay Dr. Ma. Estrella Genoveza, ang sakit sa puso ay nananatiling nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.
Sinabi ng doktor na may naitatala nang mga kaso ng heart attack sa mga kabataan at young adults na iniuugnay sa hindi malusog na pamumuhay tulad ng labis na pagkain ng matataba at maalat, paninigarilyo, pag-inom ng alak, kakulangan sa ehersisyo, at namamanang salik.
Ayon kay Dr. Genoveza, ang heart attack ay dulot ng pagbabara ng ugat sa puso at maaaring mauwi sa heart failure kung hindi maagapan.
Kabilang sa mga sintomas ang pananakit ng dibdib na lampas 20 minuto, panghihina, at hirap sa paghinga.
Bilang pag-iwas, hinihikayat ang publiko na sundin ang malusog na pagkain, mag-ehersisyo nang regular, umiwas sa bisyo, at magpatingin sa doktor, lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Philippine Heart Month tuwing Pebrero.
Source: CAGAYAN PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










